Grabe! Sayang na sayang si Clodet. Di man siya ang bet ko pero madami siyang katangian na hinahanap sa isang Big Winner. Isang babaeng marunong magdala ng kanyang sarili, isang babaeng nagpapakatotoo, isang palaban hindi lang sa deklamasyon kundi din sa kanyang personalidad, isang matured na nasa murang edad na 13 taong gulang, LAHAT na nasa kanya. Di niyo ba akalain na dahil siya ay youngest Big Winner in 7 years, ay magiging parte na siya ng PBB history? Naging history na nga siya sa pagpasok sa bahay dahil siya ay youngest housemate, eh kung manalo pa kaya siya? LALONG LALO NA!! :)
Ikinalulungkot ko din na pinatawan ng Automatic Nomination si Alec, ang Chinito Guwapito ng Laguna. Isa din siya sa pinakamatinong housemate sa bahay ni Kuya at speaking of being deserving, isa na din siya doon dahil sa pagka-Slater Young aura niya: isang may lahing Chinito, isang may potential na mag-showbiz, isang may kaguapuhan, isang may pagkatino, isang responsableng tao, at isang may sense of leadership. Pero ng dahil sa pinaguusapan niya kung sino ang gusto niya inominate kasama ang ibang mga housemate na si Ryan at si Roy at sa pagkatalo niya sa Basketball punishment task, nalagay siya sa panganib. Siya lang ang matino sa lahat ng teen housemates (sa akin opinyon lamang) at kung mawawala man siya ay mawawala na ang mga matitinong lalaki sa bahay ni Kuya. Kaya todo todo na ang pagsuporta ko kay Alec. #BBAlec ‘till #PBBEvictionNight!
Ano ang mga reaksyon niyo sa pagkawala ni Clodet?
O sa nanganganib na situasyon ni Alec?
“Ang tunay na maganda, sa ugali pa lang pamatay na.” (Clodet)

#LAUGHTRIP LANG.
-Source taken from “Sana online si crush” FB fanpage.